Wednesday, September 29, 2010

Chapter 4

Chapter 4
Parang may pary sa harapan ng bahay nina Dev nang hapong iyon.Paano,dumagsa na naman ang mga kapitbahay nila.Hinayang na hinayang ang mga ito sa pinakawalang oportunidad ni Devon.
"Isipin mo,Dev,pagkakataon na ninyo iyon para yumaman.Pinakawalan mo pa,"may inis si Jenny kababata niya."Alin kung ako lang ang ganyan,sunggab agad ako.At hihingin kong kapareha si Echo."
"Bawal sa showbiz ang pango,"kantiyaw ni Joe.
"Tanggap ko.Ito lang si Dev ang siraulo.Hay,kung ako ang inay at itay mo,lalantakan kita ng palo."
Kaniya-kanya saila ng pahayag na ang iginaganti lamang ng dalaga'y panay ngiti.Walang makapipilit sa kanya na palitan ang kanyang desisyon.Alam niya na kahit ang kanyang itay,pagdating nito ay hindi pa rin siya pipilitin.
"Best,hindi ba pangarap nating dalawa na makapagpatayo tayo ng karinderya muna,tapos,pag umasenso ay magiging sikat na restaurant.Puwede nang makakuha ng capital sa pag-aartista mo,"paalala ni Fretz kay Dev.
Huling hirit ito ng dalaga nang wala na ang mga kapitbahay.Best ang tawagan nilang dalawa bukod sa kani-kanilang pangalan.
"Oo nga,ano.Pero talagang ayoko,Fretz.Hayaan mo pag-iisipan ko rin."
"Ipagdarasal ko maya't-maya,araw-araw,gabi-gabi.Na maisipan mong pumayag."
Pagbaba ni Fretzie para umuwi ay nasalubong niya si Bret.Papasok ng gate nina Devon.
"Aba,Bret,me dala ka pang flowers.Ano 'yan,pinitas mo sa bakuran ni Mrs.Francisco?"usisa ni Fretz.
"Hindi a,binili ko ito sa flower shop.Nabalitaan ko ang nangyari sa lakad niyo.Itsi-cheer up ko lang si Dev,"tugon ni Bret.
"Hindi siya malungkot 'no.Talaga lang ayaw niyang maging artista,period.Yung taga-network ang dapat mong i-cheer dahil kawalan nila."
"Mas mabuti.Ngayon ngang ordinaryong kakilala siya't kapitbahay e hindi ko na siya mapasagot,'yun pang maging celebrity siya."
"Sinabi mo pa.Sige na.Pasok na at uuwi na ako."
Pagpasok ni Bret sa sala naroroon si Aling Marlyn.
"Magandang gabi po,Aling Marlyn.Si Dev po?"bati nito at tanong sa babae.
"Ikaw pala Bret.Tuloy ka.Pero pumasok na sa kuwarto niya para matulog si Devon.Nainis kasi sa rami ng mga kapitbahay na ittintaboy niya sa isang bagay na hindi niya gusto,"ani  Aling Marlyn tungkol sa pagkuhang artista sa anak.
"Nabalitaan ko nga po.Sayang sana.Pero kung ayaw niya,walang maaring makapilit sa  kanya."
"Tama ka,Bret.Kahit akong ina niya.Maupo ka muna.Ano ba ang dala mo?"
"Flowers po para kay Devon.Ipakibibigay ko.Saka nalang po ako babalik."
"Ikaw ang bahala.Salamat rito sa mga bulaklak,"ani Aling Marlyn.
Nalungkot si Bret dahil hindi nakausap ang dalagang nililigawan.Bagsak ang mga balikat na palabas na sa gate nang makita si James palapit.
Hinintay niya ito.
"Papunta ka kina Dev?"
"Obvious ba?"
"Tulog siya.Napagod yata."
"Okay lang.Hindi naman si Dev lang ang tao riyan.Sige na,tuloy na ako,"saka nagtuloy na ito sa pagpasok sa gate.
"O,ikaw naman James.Tulog si Dev."
"Sabi nga po ni Bret.Sa inyo na lang ako makikibalita.Totoo po ba ang tsika?"
"Oo,James.Tinanggihan ng anak ko ang alok sa kanya ng network na mag-artista."
"Bakit daw po?Pagkakataon na niya iyon para magkamal ng pera."
"Ayaw niya.Walang makakapilit sa kanya,hindi ba?Sarili niyang desisyon iyon.Pero kung ako ang tatanungin,ayoko rin.Kung sana,e matitiyak magiging superstar siya.Paano kung hindi siya sumikat e malaos agad?Hindi ba trahedya iyon.Samantalang kung gagamitin niya ang kanyang tinapos na college ay tiyak pa sigurong uunlad ang buhay niya."
"Kung sabagay nga po.Sayang din po.Na hindi nagkaroon ng celebrity dito sa ating barangay."
"Pag talagang hindi ukol hindi bubukol."
"Tama po iyon.Mabuti pa'y umuwi muna ako.Bukas na lang siguro kami mag-usap.Pero alam n'yo may pakiramdam akong hindi titigil ang taga-network hanggang hindi papayag si Dev.Kasi talaga namang lumitaw ang ganda niya nang nalagyan ng make-up.Bukod pa sa talagang maganda siya.Di po ba,si Dev ang pinakamagandang Miss High School sa aming eskuwelahan nung high school pa kami?"
"Oo nga.Pero iyang kaibigan mo,kahit kelan ay hindi naging aware o conscious sa kanyang physical attributes.Okay na sa kanya ang kanyang ordinaryong buhay.Bukod sa umunlad sa pamamagitan ng business ay wala na siyang pangarap pa."
"Buti nga siya,e,tapos na.Ako,eto,sige sa pagri-review.Para makapasa sa board.Gusto ko na pong magkalisensya sa pagiging architect.Para naman po masulit ang pagod ng mga magulang ko,"anang binata sa matapat na tinig.
"Sana,lahat ng mga anak sa mundo ay katulad ninyo ng Devon ko.Minahalaga ang pagsisikap ng mga magulang,"nakangiting sabi ni Aling Marlyn.
"Dahil po mabubuti kayong mga parents.Kaya kahit hindi maging celebrity si Dev,ay talagang maipagmamalaki ko siya."

Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na ring isinaisantabi ng mga tagaroon ang mga nangyari.At masaya sila dahil wala na ngang baha sa kanilang lugar.Maliban na lamang na kung talaga sigurong malakas ang bagyo.Kuntento na rin si Devon dahil natanggap na siya sa isang 4-star hotel sa isang posisyon sa management ng restaurant ng nasabing hotel.Ang maganda pa pati si Fretzie ay nakuhang assistant sa Nutritionist ng restaurant kaya kuntento ang magkaibigan.
"Suwerte natin 'no,Dev?Sa isang establishment tayo nagtatrabaho,sabay kung pumasok at sabay rin kung umuwi.Ano pa ba ang mahihiling natin?"
"Tama ka riyan.Maliban na sana,magawa nating mag-ipon para sa iba nating pangarap."
Busy,mas mabilis kung dumaan ang mga oras at mga araw.Parang nagulat pa ang magkaibigan nang isang umagang pagpasok nila'y araw na pala ng payday.
"Oo nga pala,Best.Tuwing a-diyes at a-bente singko ang suweldo.Magugulat pang tiyak ang inay ko."ani Devon.
"Ang inay ko rin.Naku,kailangang makabili ng pasalubong paglabas natin.Unang pasok ko pa lang ay sinabi na ng mga kapatid ko na sa payday,dapat may pasalubong sa kanila."
"Ako rin."
Asenso talaga ang magkaibigan.Nakataksi pa sila nang umuwi.Pero may napansin si Dev.
"Look,Fretz!May nakaparadang sasakyan ng ABS Televsion Network sa tapat ng bahay namin.Ano kaya 'yan?"
"Aba,e tenang bumaba at nang malaman natin.Baka may naiwan pa tayong gift box du'n nung magpunta tayp."
"Puwede na rin,"at nagpauna nang bumaba si Devon.

Chapter 3

Chapter 3
Malakas na katok ang gumising kay Dev.Patamad siyang bumangon.
"Nariyan na!"Padabog pang humakbang patungo sa pinto ng kanyang silid ang dalaga.Binuksan iyon.
"Hoy,Dev,TV star ka na pala!"malakas na sabi ni Fretzie.
"Fretz!"pasigaw na bulalas ni Devon saka niyakap ang kaibigan.:"Loka na-miss mo ang una at kahuli-hulihang television stint nitong kaibigan mo!"saka mahigpit silang nagyakap na tila ang tagal ng hindi nagkita gayong ilang araw lang nagkahiwalay.
"Best,ang ganda mo raw sa TV,balita ng itay at ni James.Nasa amin siya kanina,ang aga-aga pa.Nakita niya nang dumating kami.Tumulong pa ngang bumuhat sa dalawang kabang bigas na dala namin.May first class na wagwag.Pang export daw iyon sabi ng tiyo ko.Saka mga gulay.Me suman pa.Halika sa kusina para makita mo ang mga pasalubong ko,"hatak ni Fretzie ang best friend."Tapos,tell me about yout adventure.Kung narito ako,e di sana'y kasam mo ako."
"Oo nga e.Imagine,nag-iisa ako.Ayaw kasing sumama ng inay.Sana nakasama ka ro'n sa mga miron habang dini-dredge ang atng kanal."
"Sira!"sabay hampas ni Fretzie kay DEv.
Pagkakain ng almusal ay sa receving room na sila nagbabad na magkaibigan.Hindi mapigil ang dalawa sa excitement.Si Fretzie sa mga pagtatanong.Si Dev ay sa pagbabalita sa lahat ng prosesong ginawa niyas para mapaayos ang kanilang barangay.
"E,di bidang-bida ka ngayon dito sa atin."
"Alam mo naman sa ganitong lugar.May small mentality ang mga tao.Konting nagawa'y pinalalaki.Pero siyempre,may mga namimintas pa rin."
"Sinabi mo pa.Ang mga iyon e,'yung mga inggit dahil hindi nila nagawa o ginawa ang dapat at inatupag nila,lalo na yung mga me edad na,"ani Fretzie.
"Basta,tapos na ang pangit na mukha ng ating komunidad.Kahit sino pa ang gumawa,"pagtatapos ni Devon.

Panay pa rin ang kuwento ni Fretz sa ginawa nito sa loob ng walong araw sa bukid nila sa Nueva Ecija.Nang biglang may pumigil sa kanilang tsikahan.Malakas na tumunog nang sunud-sunod ang landline,Dinampot ni Fretz.
"Sino po ang hinahanap nyo..si Devon Villena?...Opo,dito nga po...ABS Network ba wika ninyo??...Naku,sandali lang!"saka excited na hinarap ang kaibigan."Dev,tawag sa ABS!Dali,baka kung ano na ito!"
"Siguro,e 'yung promise sa akin na padadalhan ako ng gift package.Akina,"saka balewalang inabot nito ang telepono."Opo,si Devon nga po.Pupunta ako ruan.Pero bakit pa diba tapos na ang duty ko bilang communtiy patrol ng aming barangay?"Kunot si Dev.Nakita ni Fretz na patangu-tango ang kaibigan/Saka sumagot ng opo at ibinaba ang telepono.
"O,bakit daw?"excited si Fretz."Kukunin ka bang permanenteng patrol nila o kaya'y artista?"
"Sira.Pinapupunta ako roon dahil gusto nila'y ako ang pumik-ap nu'ng gift package.Mamaya raw alas tres.Samahan mo 'ko,ha?"
"Aba,okay na okay.Magpapa-parlor pa ba ako at magbibihis ng pam-party?"
"Ikaw talaga,kalog ang utak mo.Casual lang,'no.Kukuha lang ng regalo."
Alas-dos lang ay naroroon na si Fretz.Casual din lang ang gayak nito pero nag-lipstick.
"O,bakit may pula pa 'yang mga labi mo?"
"Dev,alam mo namang putlain ako.Ayoko namang mapagkamalang e-ekstra ako sa ghost,'no."
"Ay,sira ka talaga.Tayo na nga,"saka nagpaalam kay Aling Marlyn.
"Magsipag-ingat kayo,hoy!"Bilin ni Aling Marlyn.
"Sila po ang mag-ingat sa amin,"sagot ni Devon."Baka mapalaban sila.Aba,black belter na ako sa martial arts,"hindi siya nagbibiro.Talagang pipag-aral siya ni Mang Arnold para ng kahit paano'y maipagtanggol ang sarili kung dumating ang pangangailangan.

Hinanap nila si Mr.Fuentes,ang sabi nung nasa phone na hanapin nila.Nakita naman agad nila ang lalaki.Bata pa ito at mukhang mabait naman.Palangiti pa nga."Ikaw 'yung pinakahuling community patrol,si Ms.Devon Villena?"
"Siya nga po...Dev,sumagot ka naman.Pangiti-ngiti ka lang,e.:siko ni Fretzie sa kaibigan.
"Tama po,ako nga,Tinawagan ako para raw personal kong ma-claim yung gift package para sa kin,"sabi ng dalaga.
"Oo,pero may gusto pang sabihin sa iyo si Mr.Madrid,'yung executive producers ng aming Talent Center,"anito."Tayo na,sumunod kayo sa akin.Naru'n siya sa kaniyang office."
May edad na si Mr.Madrid.Siguro'y lampas na sa singkuwenta pero maporma pa rin.At pogi sa kabila ng kanayang age,pansin ni Devon.
"Halika,iha.Tuloy ka.Maupo ka."Tumayo pa ito at itinuro ang silya sa hatap ng kanyang desk."Nag-iisa ka pa rin?"
"May kasama po ako,si Fretz."Naupo si Devon.
"Ohh,nasaan pala siya?"
"Nasa labas po,"ani Dev.
"Oh!Bakit naman na sa labas siya?Papasukin mo na lang,"ani Mr.Madrid.
Ngumiti si Devon saka tumayo,tinawag si Fretzie na naiwan sa labas ng office.
Napatawa si Mr.Madrid nang makita si Fretzie.
"Maganda rin pala ang kaibigan mo,e."
Ipinakilala ni Dev ang kaibigan kay Mr.Madrid.
"Ngayon,ihahatid na rito ang gift package mo,Devon.Pero may isa pa akong gustong sabihin sa iyo."
"Ano po?Wala na kaming problema sa barangay namin.Siguro'y droga.Pero siguro po'y pulis na ang dapat umareglo sa kanila."
"Aba,hindi.Kung gusto mo kasi...puwede kang mag-artista.Maganda,bata,makinis.As a matter of fact e flawless.Kailangan lang na mag-seminar workshop ka sa amin."
Napangiti si Dev.Nahaplos ang buhok.Pero si Fretz ang na-excite sa alok ni Mr.Madrid.
"O,ano?Nakita namin ang potential mo.Very telegenic ka,iha.Ang ganda ng rehistro mo sa kamera.Pati tinig mo'y talagang artistahin.Ano ang masasabi mo?"
"A,e hindi po.Talagang hindi po.Wala akong hilig sa showbusiness.Tama na po 'yong makatapos na ako sa college.Pero salamat po sa alok n'yo.Malaking karangalan po.Pero talagang ayoko po,"kasabay pa ang mabilis na pag-iling.
"Dev!"Hindi makapaniwala si Fretz na tatanggi ang kaibigan.
"Hindi,kita mapipilit,iha.Pero sayang naman ang pagkakataon.Gayunman,kung sakaling magbagong isip mo'y pumarito ka lang sa akin.Mag-usap tayo."
Tumayo na rin ang matandang lalaki at kinamayan ang dalawang dalaga.
"E,ako po,di po ba pwede?"
"Maganda ka nga.Pero ang kailangan ay 'yung maganda ang rehistro sa kamera.Sige,minsan ay magpasyal kayo rito para masubukan ka,Fretz."
Mula sa network habang papauwi ay panay ang sermon ni Fretz kay Dev.Hanggang sa makarating sa bahay.Nang malaman ni Aling Marlyn ay may panghihinayang din siya.Pero dahil ayaw ng anak wala siyang magagawa.
"Hindi ko trip ang mag-artista,Fretz.Huwag ka nang manghinayang.Talagang hindi ako para roon.Ayoko ng kumplikadong buhay.Gusto ko'y simple lang at tahimik at masayang pamilya.
"Bahala ka na nga.Pero sabi naman ni Mr.Madrid ay mag-isip ka.Anumang oras ay puwede kang bumalik dun para sumubok.Sabi nga niya e,marami silang natanggap na mail at text meassages na sinasabing dapat ay mag-artista ka.Kaya nga siguro pinapunta ka rin kanina."
"Ay,hamo na sa iba 'yon.Ikaw,kung talagang gusto mo'y sasamahan kita isang araw para mag-audition."
"Hindi,bale nalang.Ayaw mo,e ayaw ko rin.Maghanap na lang tayo ng trabaho."
Nang umuwi si Fretzie ay nabanggit niya sa kanyang ina ang nangyari.Hindi naglipat-oras ay kumalat na sa buong barangay ang pagtanggi ni Devon sa alok ng ABS Television Network.

Tuesday, September 28, 2010

Chapter 2

Chapter 2
Matapos ma resolbahan ang problema sa pagbaha sa barangay nila Devon.Kanya-kanyang ispekulasyon ang mga ka-barangay ni Devon.May ibang negatibo ang komento.May nagsabi na kesyo hindi naman talagang tutubay ang mga dumating.Na tulad ng kanilang Kapitan ay hanggang porma lang ang ito.
Mayroon naman nagsabi na mataas ang pag-asa nila na ilang araw pa ay may resolba na ang kanilang problema sa pagbaha.May ilan pang nagsabi na mayabang lang si Devon at ang pamilya nito.Mayroon rin namang natutuwa at naglakas loob ang dalaga para kumilos alang-alang sa kapakanan ng buong barangay.

Gabi.Ipapalabas nasa TV ang community service na kinuha sa kanilang barangay.Ang pagtulong ng mayor sa declogging ng kanal sa buong lugar pati na ang estero na nasa gawing kaliwa ng pook na ito.At nang matapos anng proyektong ito ay malinis na ang kalye,umaandar na ang lahat ng kanal at wala nang baha.
Lahat halos ng tagaroon ay bukas ang telebisyon sa channel na pagtatanghalan ng paglilinis ng kanilang barangay.Nang lumitaw si Devon sa small screen ay halos buong barangay ang nag-cheer.Detractor man o kakampi.Masaya sila dahil sa pagmamalasakit diumano ng isang kabataan ay nalutas ang problema nila sa baha.Hindi na pinapasok ng tubig ulan at kanal ang kanilang mga bahay.
Siyempre mas masaya ang mga magulang ni Devon at kaisa-isang kapatid na si Junel.Nasa bahay siya at pinanood din ang naka-tape na bahagi ng progarama.
"Alam mo,anak,telegenic ka talaga.Pwede kang artista!"bulalas ng ina ni Devon.
"Oo nga Ate.Mas maganda ka pa nga kesa kay Lala Luna,"susog ni Junel na ang tinutukoy ay ang babaing news anchor ng news ng ABS Television Network.
"Sus!Sabi mo lanh 'yan dahil kapamilya nyo ako!"
Inirapan pa ni Devon ang kapatid.
"Pero totoo 'yon,Dev,anak,"salo ni Mang Arnold.Dev ang palayaw nila sa dalaga.Malagyan ka lang ng make-up,puwede na."
"Naku,'Tay,'Nay kaya lang ninyo sinasabi iyan,dahil anak nyo ako.Wala raw masamang kanya,di ba sabi ni Lola Inday ko?"Ina ng kanyang itay si Lola Inday na nasa Bacolod pa rin,
"Siya tama na.Napanood na natin at solved na ang problema.Ngayon naman,ang kumakalam kong sikmura ang resolbahin natin.Pagod ako sa trabaho kanina.Nagsimula na kami ng mid-year inventory namin sa company."Tumayo na si Mang Arnold para magtungo sa kitchen.Pero hindi pa siya nakakailang hakbang nang marinig ang ragasaan ng maraming paa padako sa kanila.
"Ano 'yon?Parang stampede ng mga baboy?"ani Aling Marlyn.
At bago pa nila nasilip ay bumukas na ang front gaste nila at unahan sa pagpasok ang mga kabarangay,isa-isa'y yumayapos kay Dev,ang iba'y kumakaway.Hindi sila magkamayaw sa pagbati sa dalaga ni Mang Arnold at Aling Marlyn.
"Iba ka talaga,Dev.Matalino na,maganda pa.Aba,para kang ta-artits sa porma mo sa TV kanina!"bulalas ni James ang kababta ni Dev.
"Hihingi ako ng otograp,"at inilapit halos sa mukha ni Dev ang dalang notepad ni Kyra.
"Magsitigil nga kayo.Para kayong timang.Konting pabor ang nagawa ko,e para na kayong dagang aligaga.Kahit sino,e makakagawa ng ginawa ko.Nauna lang ako,"pa humble na sagot ni Devon.
"Pero iba ka talaga.Ang lakas ng dating.Hindi lang dito.Pati na rin sa ting lugar.Saludo kami sa iyo,"ani MAng Noel.
"Oho nga pala,Mang Noel,nasaan po si Fretzie?"
"'Ku,e sumama sa inay niya,umuwi sa Nueva Ecija para kumuha ng bigas ang mag-ina."
"Kelan ho ang balik?Hindi niya napanood ang TV appearance ko."
"Bukas pa.Hindi nga niya nalaman na naging community patrol ka dahil walong araw sila roon.Nagkasakit kasi ang amang ko."
"Ang mabuti pa,magsipagpahinga na tayo.Hindi pa nga kami naghahapunan,"ani Mang Arnold.
"Kayo lang ba ang hindi kumakain?Aba,kami rin,"halos iisang taong sagutan ng kanilang mga kapitbahay.
"Oo nga.Talagang tinutukan namin ang TV at baka makaligtas si Dev e hindi namin makita.At sulit naman,'no?Hindi lang wala na tayong problema kundi nakita nating ang ganda ni Devon,"sabi naman ni Bret.
"Tama na,puwede?Baka maniwala na ako niyan,e pag-iirapan ko kayong lahat."
Nagtatawa si Dev pero talagang namumula siya sa pagkapahiya.

Salamat naman at nag-alisan ang mga kapitbahay.Natuloy din ang paghahapunan ng mag-anak.
"Ate,napansin ko si Bret,ha?Panay titig sa iyo.Papungay-pungay pa,"tukso ni Jun na katorse anyos na.
"Eng-eng ka.Tumigil ka't baka duruin kita nitong tinidor."Inis si Devon.
"Talaga ba,ha,'Nak?"namimilog ang mga mata ni Aling Marlyn na sinasakyan ang bunsong anak sa panunukso nito.
"Opo,'Nay.Talagang-talaga.Pati nga po si James,e,parang ngayon lang nakita si Ate sa buong buhay nya.E diba magkasabay silang lumaki at magkalaro?"
"Dapat lang na mapuna nila ang anak kong dalaga.Aba,sa amin ng ina ninyo nagmana 'yan.Para silang nagtapo sa bigas kapag di nila tinanggap sa sarili nila na maganda ang anak ko.Tipong artista,"seryoso si Mang Arnold.Tawa naman nang tawa si Aling Marlyn.

Monday, September 27, 2010

Chapter 1

Chapter 1
Magdamag umulan.Walang tigil.Ito yung ulan na masarap itulog nang mahimbing.Tikatik.Iyon ang tawag ng mga matatanda sa ganoong kales ng ulan.Bumago pa ng puwesto si Devon.Bumaling sa kanyang kanan hataka ang malaking unana at niyakap ito.Pero dahil mababaw na ang kanyang tulog ay napukaw siya ng sunod-sunod na tilaok ng mga tandang na panabong ni Mang Gary,ang pinakamalapit nilang kapitbahay.
Tinanaw niya ang bintana.Nagsisimula nang mamanaag ang liwanag ng umaga.Pagkatapos mag-inat ay kinusot ang mga mata.Bumangon si Devon.Gusto niyang maalis na ang antok.Naalala nyang may usapan sila ni Fretzie na ipa-follow up ang ipinasa nilang resume sa isang sikat na food chain.Mul siyang nag-inat tsaka tumuntong sa sahig.Sumigid ang lamig sa kanyang paa.
"Baha!"Malakas niyang sambit na sinundan ng tiling matinis.
Napabalikwas si Aling Marlyn."Anak ko ang tumili.Bakit kaya?"sabi nito saka nagmamadaling bumaba sa kama.Pero pagsayad ng mga paa sa tubig-baha ay napatili rin siya na ikinabalikwas naman ni Mang Arnold na himbing pa sa kanyang tabi.Naalimpungtan ito.
"Saan ang sunog?Bakit?"Niyugyog nito ang balikat ng asawa na patalikod sa lalaki.
"Arnold!Baha na naman!Pumasok uli sa loob ng bahay natin!"paiyak si Aling Marlyn.

Tinanaw ni Mang arnold ang sahig.Bumaha nga sa loob.Napakamot sa batok ang ama ni Devon na ngayonay paiyak na pumapasok sa kuwarto ng kanyang mga magulang.
"Inay,'Tay maglilimas na naman tayo.Hnaggang bukung-bukong ko ang bahay,"reklamo ng dalaga na kandahaba ng nguso sa inis.
"Wala tayong magagawa.Dito tayo nagkabahay,anak"saka susod sa tubig sa sahig ay lumabas ng silid si Mang Arnold.
Ganoon talaga ang itay ni Devon.Bihirang magsalita.Sabi nga ng Lola Ana niya ay napakamahal daw ng pangungusap ng manugang.
"Sobra na,e.Ilang araw ang ulan,lagi tayong pinapasok."Inis na inis si ASling Marlyn."Nabababad lagi ng mga paa ko kaya umaatake ang rayuma ko.Naku,talaga!"
"E,ako,Inay inaalipunga na,"pagigil si Devon."Dapat san'y flawless ako e dahil sa bahang ito,nabawasan na."
"E,kayo...papasok kayong mag-ama.Maiiwan ako ngayon na mag-isang magdurusa sa paglilinis"hinagpis ni Aling Marlyn lumabas na ito ng silid kasunod ang kaisa-isang anak.
"Tapos na po ang practicum ko 'Nay .Wala na po akong pasok pero aalis din po ako kasi ipa-follow ko yung application ko ro'n."
"Umapela ka pa,e maiiwan din pala akong mag-isa."

Sa kusina walang salitang nagsasangag si Mang Arnold habang naka salng ang takure para sa kanilang kape.Nakahain na for three sa mesa.Naroroon rin ang ulam na adobong manok at baboy na natira nung nakaraang gabi.Nilingon ng lalaki ang kanyang mag-ina.
"Upo na kayo.Kumain na kayo para mabawasan ang inis ninyo sa baha.Hindi bale,konting tiis.Kapag tumama ako sa lotto,lilipat na tayo sa Corinthian Garden"anito habang naglalagay ng sinangag sa bandeha.
"Tumigil ka nga.Pagpasok mo'y dumaan ka sa Barangay Hall.Naroroong tiyak si Chairman.Ireklamo mo ang baradong kanal."Inis na inis si Aling Marlyn na naupo sa puwesto niya."
"Kay kapitan ba kamo?"Ku,e tenang kawali naman ang isang iyon.Kapag nagreklamo ka,oo agad ang sagot kaya lang sa susunod na tag-ulan pa magpapalinis ng kanal,"banggad na reklamo ni Mang Arnold.
"Kontra ka naman agad sa sinabi ko.Anong malay mo,biglang nasa tamang mood si Kapitan,e pagbigyan tayo,"pairap na sagot ng babae kay Mang Arnold.
"Inay taman po si Itay.Marami na nga ang naiinis kay Kapitan dahil hindi inaaksyunan ang sumbong ng mga tagarito"pagtatangol ni Devon sa ama.
"O siya .....tama na at nasa harap tayo ng biyaya ng Diyos,"sabi ni Aling Marlyn.
Sandali silang natahimik dahil nagsimula nang magsikain nang almusal.Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang biglang lumundag ang alaga nilang pusa.Sumablay ang talon nito.Sa halip na sa dulo ng mesang kainan ito lumanding ay sa sahig na lubog sa baha ito bumagsak.Umalimbukay ang tuig at nabasa ang damit ni Devon.Halos mapatalon ang dalaga.Panay ang piksi.
"Tama na!Sobra na!"asar na asr na sabi ni Devon."Kailangang gumawa na ako ng steps para maremedyuhan itong probela!"
"At anong steps-steps ang gagawaing mo,aber?"sarkastikong tanong ni Aling Marlyn sa nangingitngit sa galit na dalaga.
"Magti-text ako sa ABS Television Network.Magsusumbong ako sa Community Patrol!Madals kong napapanood na mabilis ang tulong nila at madaling nakakakuha ng responde para sa malutas ang pangkomunidad na problema,"ani Devon.
"Aba,okay na idea"ani Mang Arnold."Kelan ka magti-text?"
"Ngayon na po.Para agad-agad na matulungan tayo.Pasasama ako kay Fretzie."
"Oo nga.Baka one week lang wala na tayong problema  sa baha,"ayon ni Aling Marlyn.
Nagtext nga si Devon.Ikalawang araw ay may dumating na taga television network.Nagpasama ang mga ito kay Devon at Aling Marlynna naratnan nila sa site ng problema.
"Problema nga ito.Magiging breeding place ng dengue mosquitoes ang ilang bahagi ng stagnant water.Ang maburak na residue naman ay mapagmumulang na sakit gaya ng diarrhea at iba pa.Dapat na ngang maasikaso ito,"sabi ng mga nag-imbestiga.

Jaevon Fanfic

"SAYANG NA PAG-IBIG,SAYANG NA PAGSINTA"

PROLOGUE:
Ikinubli ni James ang masidhing pag-ibig sa kababatang si Devon.Hanggang sa lumaki ay naging matalik silang magkaibigan na parang magkapatid.
  Maganda si Devon.Maraming manliligaw.Pero kahit isa'y walang mapili.Ang tunay kasi niyang love ay si James.
    Ang kanilang paglilihiman ay sinubok ng panahon.Ibinaling ni James ang pag-ibig kay Ann para makalimutan si Devon.Ang dalaga naman ay handa nang ipagkatiwala ang puso kay Ivan.
  Pero ang dalawa nilang kaibigan sina Bret at Fretzie ay hindi payag na mauwi sa wala ang isang tapat na pagmamahalan.
Gagawa sila na paraan.
Pero magtagumpay kaya sila?
Saan hahantong ang lihim na pag-ibig ng mag-best friend na James at Devon?